Phivolcs: Walang banta ng tsunami kasunod ng M7.4 na lindol sa Molucca Sea
Pinawi ng Phivolcs ang pangamba ng tsunami sa Pilipinas matapos ang malakas na lindol sa Molucca Sea sa Western Pacific Ocean malapit sa Indonesia Biyernes ng madaling araw.
Sa Tsunami Information No. 1 na inilabas ng Phivolcs alas 12:33 Biyernes ng umaga, nakasaad na niyanig ng magnitude 7.4 na lindol ang Molucca Sea alas 12:18 ng umaga, oras sa Pilipinas.
Ang episentro ng pagyanig ay sa 1.5 Hilaga, 126.4 Silangan na may lalim na 62 kilometro.
Gayunman sinabi ng ahensya na hindi inaasahan ang mapaminsalang tsunami sa Pilipinas bunsod ng naturang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.