Bagyong #RamonPH napanatili ang lakas pero lugar na nasa storm warning signals nabawasan

By Rhommel Balasbas November 14, 2019 - 11:45 PM

Napanatili ng Tropical Storm Ramon ang lakas nito habang kumikilos sa karagatan sa Silangan ng Northern Aurora.

Ayon sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 415 kilometro Silangan ng Casiguran, Aurora o 475 kilometro Silangan ng Baler, Aurora.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang bagyo pa-Hilaga Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Sa ngayon wala nang nakataas na Tropical Cyclone Warning Signal no. 2 at Signal no.1 na lamang ang nakataas sa mga sumusunod na lugar:

– Catanduanes

– eastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, Dinapigue at Maconacon)

– Northern Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan)

– Polillo Island

Bukas, mahina hanggang katamtaman na may hindi tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa eastern portions ng Cagayan at Isabela, Northern Aurora, Polillo Islands at Bicol Region.

Sa Sabado (Nov.16), mahina hanggang katamtaman na paminsan-minsan ay may kalakasang mga pag-ulan ang mararanasan sa eastern portions ng Cagayan at Isabela.

Mahina hanggang katamtaman na may hindi tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa Apayao, Northern Aurora at nalalabing bahagi ng Isabela at Cagayan.

Pinag-iingat ang mga residente sa posibilidad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng mga lugar na nasa storm warning signal, seaboards ng Northern Luzon, at eastern seaboards ng Central at Southern Luzon.

 

TAGS: Bagyong #RamonPH, baha, landslide, napanatili ang lakas, Pagasa, storm warning signal, Bagyong #RamonPH, baha, landslide, napanatili ang lakas, Pagasa, storm warning signal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.