Burol ng mga sundalong napatay ng NPA bibisitahin ni Duterte

Hindi na tuloy ang pakikipagpulong bukas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magsasaka sa Pigcawayan, North Cotabato.

Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, sa halip na North Cotabato, biyaheng Eastern Samar bukas ang pangulo para bumisita sa burol ng anim na sundalo na nasawi sa pag atake ng New Peoples Army s(NPA) sa Eastern Samar.

“President Rodrigo Duterte postponed his meeting with North Cotabato Farmers on Friday to visit six dead and 20 wounded soldiers attacked by NPAs in Eastern Samar”, ayon kay Go.

Wala namang ibinigay na oras ang palasyo sa pagbisita bukas ng pangulo sa nasabing lalawigan.

Bukod sa anim na nasawi, dalawampung sundalo pa ang nasugatan sa pag-atake ng rebeldeng grupo.

Tiniyak naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na na reschedule lamang ang pagbisita ng pangulo sa mga magsasaka sa North Cotabato.

Read more...