P2,000 dagdag na benepisyo para sa CAFGU pirmado na ni Duterte

By Chona Yu November 14, 2019 - 03:32 PM

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng karagdagang P2,000 cash assistance kada buwan sa mga miyembro citizen armed forces geographical unit o CAFGU.

Sa ilalim ng Executive Order 94 na nilagdaan noong November 8, naging epektibo ang dagdag benepisyo noong July, 2019.

Kukunin ang pondo sa General Appropriations Act o national budget.

Kinikilala ng pangulo ang serbisyo ng CAFGU para malabanan ang anumang banta sa seguridad sa bansa.

Magugunitang noong nakaraang taon ay naglabas din ng Executive Order 69 ang palasyo na nagmamando naman na mataasan ang financial support ng mga CAGFU sa P7, 000.

Ang CAFGU ay binuo para makatuwang ng militar sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga lalawigan.

TAGS: AFP, cafgu, duterte, Malacañang, AFP, cafgu, duterte, Malacañang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.