Planong hindi na pagpapalawig ng martial law sa Mindanao blackmail lamang

By Erwin Aguilon November 14, 2019 - 12:48 PM

Tinawag na patibong ng mga kinatawan ng Bayan Muna Partylist ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi na palalawigin ang martial law sa Mindanao.

Ayon kina Bayan Muna Reps. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat, cheap blackmail lamang ito ng pamahalaan.

Pinapakagat lamang anya ng gobyerno ang mga taga-Mindanao sa patibong na ito na mangangahulugan ng mas marahas na sitwasyon hindi lang sa Mindanao kundi sa buong bansa.

Anila, bukod sa amyenda sa Human Security Act ay nangyayari na rin ang militarisasyon sa mga paaralan at pagbuhay sa Anti-Subversion Law.

Sinabi ng mga kongresista na hindi ang mga ito ang sagot sa problema sa rebelyon at terorismo sa bansa.

Pinayuhan ng mga mambabatas ang gobyerno na ang dapat gawin ay bigyang pansin ang hinaing ng mamamayan, solusyunan ang kahirapan ay ituloy ang usaping pangkapayapaan.

TAGS: Bayan Muna Reps. Carlos Zarate, blackmail, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat, Martial law sa Mindanao, militanteng mambabatas, Bayan Muna Reps. Carlos Zarate, blackmail, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat, Martial law sa Mindanao, militanteng mambabatas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.