Bagyong Ramon napanatili ang lakas; Signal No. 2 nakataas na sa Catanduanes
Napanatili ng Tropical Storm Ramon ang lakas nito habang nasa bahagi ng Catanduanes.
Huling namataan ang bagyo sa layong 290 kilometers Northeast ng Virac, Catanduanes o sa layong 410 kilometers east ng Daelt, Camarines Norte.
Ang bagyo ay kumikilos sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong north northwest.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Catanduanes.
Signal No. 1 naman sa sumusunod na mga lugar:
– Eastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, at Dinapigue)
– Northern Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan)
– Polillo Island
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– Albay
– Sorsogon
– Eastern Samar
– Northern Samar
– Mindanao
Ayon sa PAGASA, ngayong araw ang bagyo ay maghahatid ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region, Quezon, at sa eastern portions ng Isabela at Cagayan.
Ganito pa din ang magiging lagay ng panahon bukas sa eastern portion ng Cagayan at Isabela.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.