ABC president sa Bauang, La Union patay sa pamamaril sa loob ng isang casino

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang pangulo ng Association of Barangay Captains (ABC) matapos pagbabarilin sa loob ng isang casino sa Bauang, La Union.

Ayon sa ulat, nasa loob ng isang e-casino at naglalaro ng slot machine ang biktima na kinilalang si Noel Gallardo, barangay captain ng Pagdalagan Sur nang pagbabarilin ng suspek Miyerkules ng gabi (Nov. 13).

Kinilala ang suspek na isang Jeffrey Escobal.

Nabatid pa na sa bibig binaril si Gallardo at tumagos ang bala sa kanyang batok.

Isinugod ang biktima sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa bayan ng San Fernando pero binawian ng buhay makaraan ang dalawang oras.

Read more...