Sen. Bong Go suportado ang dagdag budget sa anti-drug campaign ni VP Leni Robredo
Pabor si Senator Christopher “Bong” Go na madagdagan ang pondo sa kampanya kontra droga na siyang hirit ni Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Go bilang mambabatas ay full support siya sa laban kontra droga.
Aniya hangad niya na tumaas pa sa 82 porsyento ang naniniwala na epektibo ang ikinakasang war on drugs ng administrasyong Duterte sa pamumuno ni Robredo sa kampaniya.
Samantala, sinabi ng senador na pinagsusumikapan na nilang mga senador na maipasa na ang 2020 national budget para maaprubahan na ni Pangulong Duterte bago matapos ang taon.
Katwiran ni Go iniiwasan na ang pagkaka-ulit ng reenacted budget dahil malaking halaga ang nawawala sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.