Mga bus dapat gawing prayoridad sa EDSA ayon kay Marikina Rep. Bayani Fernando

By Erwin Aguilon November 14, 2019 - 10:40 AM

Pinabibigyang prayoridad ni Marikina Representative at dating MMDA chairman Bayani Fernando sa MMDA ang mga bus sa EDSA.

Aniya dapat na hinahayaang tumakbo ang bus sa mga EDSA dalawang beses na mas mabilis kumpara sa ibang sasakyan.

Sinabi nito na kahit naka-red ang traffic light ay titigil ang ibang mga sasakyan habang ang bus ay pwedeng tuluy-tuloy.

Katwiran ng mambabatas, mas marami kasing dalang tao ang bus at maaari ng iwan ng mga tao ang kanilang sasakyan dahil may mas mabilis na alternatibong transportasyon.

Hinimok din nito ang pamahalaan na gawing “mabuhay lanes” o express routes ang lahat ng daan sa Metro Manila.

dapat anyang linisin ang lahat ng daan at kalye sa lahat ng uri ng obstruction para gawing mabuhay lanes.

Sa Metro Manila lang aniya ay mayroong 5800 kms pero 20% lamang ng mga kalye ang nagagamit.

TAGS: EDSA traffic, Inquirer News, mmda, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, rep bayani fernando, Tagalog breaking news, tagalog news website, EDSA traffic, Inquirer News, mmda, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, rep bayani fernando, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.