Mag-asawa at isa nilang anak patay sa sunog sa Olongapo City

By Jimmy Tamayo November 14, 2019 - 09:59 AM

Patay ang mag-asawa at ang dalawang taong gulang nilang anak nang masunog ang isang automotive store sa Olongapo City madaling araw ng Miyerkules (Nov. 13).

Kinilala ang mga nasawi na sina Mariano at Aira Panganiban at ang anak nilang si Ricardo.

Ayon sa ulat, alas-5:00 ng umaga ng maitala ang sunog sa unang palapag ng gusali kung saan naroroon ang tindahan at umakyat sa ika-apat na palapag kung saan naninirahan ang mag-asawa.

Sinabi ni City Fire Marshall, Chief Inspector Arvin Christian Santos, nasawi ang pamilya sa pagkakalanghap ng usok at hindi na nakalabas ng naturang palapag sa kawalan ng fire exit at napapaligiran rin ng rehas na bakal ang mga lagusan.

Mabilis rin ang pagkalat ng apoy sanhi ng combustible automotive fluids, mga gulong at iba pang materyal na nakadagdag sa paglaki ng apoy.

Aabot sa P50-milyon ang halaga ng napinsala ng sunog.

TAGS: fire incident, Inquirer News, Olongapo City, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, fire incident, Inquirer News, Olongapo City, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.