Panukalang P1,000 dagdag pension para sa SSS members ikakasa ng Kamara

By Isa Avendaño-Umali January 18, 2016 - 08:05 PM

belmonte2
Inquirer file photo

Tiniyak ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na itutulak niya ang P1,000 dagdag pensyon para sa mga miyembro ng Social Security System o SSS.

Sa panayam kay Belmonte, sinabi nito na ang kanyang panukalang P1,000 SSS pension hike ay isang “compromise” sa nai-veto ni Pangulong Noynoy Aquino na P2,000 na dagdag sa buwanang pensyon ng mga SSS pensioners.

Pagdidiin ni Belmonte, hindi na kakailanganin ng kanyang panukala na idaan pa sa Kongreso, at sa halip ay pamamagitan ng “executive action.” Ibig sabihin, maaaring ang Ehekutibo at pamunuan ng SSS ang magpasya sa pagbibigay ng P1,000 pension increase.

Ayon kay Belmonte, susulat siya kay Pangulong Aquino at SSS ukol sa kanyang panukala.

Pero paliwanag ng opisyal na dapat munang pagtibayin ng Mataas na Kapulungan ang nakabinbin na twin bill na layong magbigay ng poder sa SSS na makapagtaas ng kontribusyon nang hindi na kailangan ng President’s approval.

Matatandaan na ang hindi pagka-apruba ng Senado sa naturang twin bill ang rason kaya nai-veto ng Pangulo ang SSS pension increase bill dahil sa kinatatakutang bankrupcy.

TAGS: belmonte, Kamara, Pension, sss, belmonte, Kamara, Pension, sss

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.