Riles mula Ayala hanggang Magallanes Southbound sa MRT-3 sinimulan nang palitan
Inumpisahan nang kabitan ng bagong riles ang bahagi ng Ayala hanggang Magallanes (Southbound) stations ng MRT-3.
Sinimulan ang pagpapalit ng riles sa nasabing bahagi ng MRT-3 Miyerkules (Nov. 13) ng gabi.
Ito ay matapos na makumpleto ang pagkakabit ng mga bagong riles mula sa istasyon ng Buendia hanggang Ayala (Southbound) noong Martes, Nov. 12.
Sa kasalukuyan ay nasa 12 sets na riles na may tig-180 metro ang haba na ang naikabit na sa linya.
Ang pagpapalit ng riles ng MRT-3 ay pormal na inumpisahan noong Nov. 4 at target na makumpleto sa Pebrero 2021.
Ang rail replacement activities ay gagawin tuwing non-revenue hours o mga oras na walang biyahe ang MRT-3, mula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling-araw.
Oras na mapalitan ang mga riles ay maiiwasan na ang masyadong matagtag na mga bagon na isa sa mga pangunahing sanhi ng mga problema o aberya sa operasyon.
Inaasahan din na magiging mas mabilis ang takbo ng mga tren, dahilan upang mapaiksi ang headway o waiting time, at madoble ang bilang ng mga pasaherong maseserbisyuhan ng MRT-3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.