Korean Girl Group na BLACKPINK pasok sa “100 Next 2019” list ng Time Magazine
Patuloy ang pamamayagpag ng Korean girl group na BLACKPINK.
Sa taunang 100 List ng TIME magazine, nakapasok ang grupo sa listahan ng “100 Next 2019.”
Nakatutok ang nasabing listahan sa mga personalidad na gumagawa ng sariling pangalan at malaking epekto sa larangan ng “business, entertainment, sports, politics, science, health and more.”
Sa “Phenom” category ng TIME 100 Next, kasama ang BLACKPINK sa listahan at kauna-unahang Korean artist na nakahanay sa ibang mga international artist gaya nina Lil Nas X at Keke Palmer.
Tinukoy ng TIME ang popularidad ng nasabing grupo na mayroong 31 million subscribers sa YouTube at kauna-unahang K-Pop girl group na nagperform sa Coachella.
Bukod dito, binanggit din ang kahanga-hangang record na ginawa ng mga tagahanga ng BLACKPINK na kilala bilang BLINK makaraang umabot sa 1 billion views ang music video ng grupo para sa kantang “Ddu-du Ddu-du.”
Kamakailan, nagwagi ang grupo sa tatlong kategorya sa E! People’s Choice Awards bilang Group of 2019, Concert Tour of 2019, at Music Video of 2019 para sa kantang “Kill This Love”.
Ang BLACKPINK rin ang nangunguna ngayon sa “most followed girl group” sa audio streaming na Spotify.
Mayroon nang 9.5 million followers ang grupo kasunod ang grupong Fifth Harmony at Little Mix.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.