Hinimok ni PCG Commandant Vice Admiral Joel Garcia ang mga interesado na maghain ng aplikasyon, kinakailangan lamang na sila ay natural-born Filipino citizens, physically at mentally fit, at may good moral character.
Kailangan din na four-year college degree ang aplikante, may professional civil service eligibility, at papasa sa PCG Aptitude Battery Test (ABT) para sa commissionship.
Ang entry level salary para sa commissioned officer na may ranggong Ensign ay ₱ 51,000.
Para naman sa PCG enlisted personnel, dapat mayroong atleast 72 completed units o 6-month Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) course certificate at dapat makapasa sa PCG ABT para sa enlistment.
Ang entry level salary para sa enlisted personnel na may ranggong Apprentice ay ₱ 37,000.
Maaring magsumite ng aplikasyon sa pinakamalapit na Coast Guard District Office.
Ang schedules ng pagsusulit ay sa November 30, 2019, December 7, 2019, at December 14, 2019.