Sanggol na tinangay sa Bacolod City naibalik na sa pamilya

Naibalik na sa kaniyang ina ang sanggol na dinukot sa Bacolod City, Negros Occidental.

Sa tulong ng mga kaanak at kaibigan ng pamilya, nahanap ang kugar na pinagdalhan ng suspek sa bata.

Nabatid na inalok ng suspek ang ina ng bata ng libreng hair treatment at habang nagpapa-rebond ang nanay ay tinangay nito ang bata.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakararanas umano ng depresyon ang suspek at mayroong matinding problema sa kalusugan.

Hindi naman na idinetalye ng pulisya kung paanong nahanap ang bata.

Read more...