12 kabilang ang 3 bata, patay sa car bomb sa Afghanistan

By Dona Dominguez-Cargullo November 14, 2019 - 06:14 AM

Patay ang labingdalawang katao kabilang ang tatlong mga bata nang sumabog ang isang minivan na puno ng bomba sa Kabul, Afghanistan.

Nangyari ang pagsabog sa kasagsagan ng rush hour, umaga ng Miyerkules (Nov. 13) oras sa Kabul.

Ibinangga muna ang minivan sa isang sasakyan na may lulang mga dayuhan bago ito tuluyang sumabog.

Ayon sa interior ministry office, sakay ng apat na dayuhan ang kanilang sa nasugatan na sakay ng SUV na pag-aari ng isang Canadian security company,

Kabilang sa 12 nasawi ay pawang Afghan civilians, habang may dayuhan din na nasawi pero hindi pa nakikilala.

Tatlong ang kasama sa nasawi at isa dito ay 13 anyos na papasok sana sa kaniyang eskwelahan.

Maliban sa mga namatay, 20 pa ang naitalang nasugatan.

TAGS: afghanistan, car bomb, Inquirer News, Kabul, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, afghanistan, car bomb, Inquirer News, Kabul, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.