Halos P70k halaga ng shabu nasabat sa buy-bust sa QC

Nakumpiska ng Batasan Police ang halos P70,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City, Miyerkules ng gabi.

Arestado sa operasyon ang isang alyas ‘Renz’, 19 anyos, na dalawang beses nang nakulong dahil din sa iligal na droga at kalalaya pa lamang halos pitong buwan ang nakalilipas.

Nakipagtransaksyon ang mga pulis para sa P1,500 na iligal na droga.

Bukod kay alyas ‘Renz’, arestado rin ang dalawa pa niyang kasamahan.

Nagsisilbi umanong ‘scorer’ ni Renz ang dalawa.

Nasabat sa tatlo ang 10 gramo ng shabu na may street value na P68,000.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...