outbrain

WATCH: Pagtangay ng yaya sa inaalagaang sanggol sa Taguig City kuha sa CCTV

By Dona Dominguez-Cargullo November 14, 2019 - 05:55 AM

Isang yaya ang pinaghahanap ngayon ng mga otoridad sa Taguig City matapos na tangayin ang inaalagaang sanggol sa Barangay Bambang.

Miyerkules (Nov. 13) bago mag-tanghali nang ilabas ng yaya ang 5 buwang gulang na sanggol at hindi na ibinalik pa ng bahay.

Nakita pa sa CCTV sa lugar ang paglalakad ng yaya palabas habang kalong ang bata.

Ayon sa ina na si Princess Jean Perrin, tinangay ng yaya na si Kristine Joy Salik ang bata na isang linggo pa lamang naninilbihan sa kanila.

Nag-apply si Salik sa pamilya Perrin nang mag-post sa Facebook si Princess na naghahanap siya ng mag-aalaga sa anak.

Base sa huling impormasyon na ibinigay ng mga netizen kay Perrin, nakita umano si Kristine sakay ng jeep kalong ang bata sa Montalban, Rizal.

Kapwa graveyard shift ang mag-asawang Perrin kaya natutulog sila nang mangyari ang insidente.

Ayon naman kay Police Maj. Matron Calyaen ng Taguig City police, maaring peke ang ginamit na pangalan ng yaya at peke din ang ID na kaniyang isinumite samag-asawa.

Nang puntahan kasi siya sa address sa San Mateo, Rizal ay walang nakakakilala sa kaniya.

Sa sinumang may impormasyon sa kinaroroonan ng bata o ng suspek, maaring tumawag o mag-text sa 09171790393 o sa Taguig City Police Station hotline na 09395047033 at 86423582.

TAGS: Inquirer News, Kidnapping, Kristine Joy Salik, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Taguig City, Inquirer News, Kidnapping, Kristine Joy Salik, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.