4 na pulis-Maynila timbog sa pangingikil
Arestado sa entrapment operation ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) Miyerkules ng gabi ang apat na pulis-Maynila dahil sa pangingikil.
Isang ginang ang nagsumbong sa IMEG sa Camp Crame ukol sa pangingilkil ng mga pulis kapalit ng pagpapalaya sa mister niyang nakulong dahil sa iligal na droga noong November 12.
May ranggong corporal at patrolman ang apat na pulis.
Ang mga pulis na pawang beat patrollers ng Manila Police District (MPD) Station 5 ay nanghihingi sa ginang ng perang aabot sa P500,000.
Pero naibaba sa P200,000 ang hinihingi nilang pera.
Dito na nagkasa ng operasyon ang IMEG sa loob mismo ng Baseco Police Community Precinct.
Nang tanggapin ang marked money, agad silang inaresto.
Sa ngayon ay nakakulong ang apat na pulis sa detention facility ng IMEG at mahaharap sa mga kasong kriminal at administratibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.