Bagyong #RamonPH napanatili ang lakas, bahagyang bumagal

By Rhommel Balasbas November 14, 2019 - 05:35 AM

Napanatili ng ‘Tropical Storm’ Ramon ang lakas nito ngunit bahagyang bumagal habang papalapit sa Bicol Region.

Ayon sa 5am severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 355 kilometro Silangan ng Legazpi City, Albay o 300 kilometro Silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.

Kumikilos na lamang ito sa bilis na 10 kilometro kada oras sa direksyong Kanluran-Hilagang Kanluran.

Tinutumbok pa rin ng bagyo ang Isabela area at tatama sa araw na ng Linggo.

Dahil mabagal ang galaw, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Warning Signal no. 2 sa Catanduanes.

Signal no. 1 naman ang nakataas pa rin sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Eastern Samar at Northern Samar.

Sa bulletin mamayang alas-11:00 ng umaga posibleng itaas na rin ang signal no. 1 sa Pollilo Islands, Northern Aurora, at Eastern Isabela.

Ayon sa PAGASA, ngayong araw mahina hanggang katamtaman na minsan ay may putol-putol na malakas na ulan ang mararanasan sa Bicol Region at silangang bahagi ng Isabela at Cagayan.

Bukas (Nov. 15), mahina hanggang katamtaman na paminsan-minsan ay may kalakasang mga pag-ulan ang mararanasan sa silangang bahagi ng Cagayan at Isabela.

Mahina hanggang katamtaman na may pabugso-bugsong malalakas na ulan ang iiral sa Apayao, Quirino, Northern Aurora at nalalabing bahagi ng Cagayan at Isabela.

Pinag-iingat ang mga residente sa delikadong mga lugar sa posibilidad na pagbaha at pagguho ng lupa.

Dahil sa epekto ng Amihan at Bagyong Ramon, nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng mga sumusunod na lugar:

• Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• La Union
• Pangasinan
• Batanes
• Cagayan kasama ang Babuyan Islands
• Isabela
• Aurora
• Quezon kasama ang Polillo Island

TAGS: #RamonPH, Inquirer News, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical storm, weather, #RamonPH, Inquirer News, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical storm, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.