CBCP inilabas na ang logo ng 2020 Year of Ecumenism

By Rhommel Balasbas November 14, 2019 - 04:48 AM

Inilabas na ng Simbahang Katolika sa Pilipinas araw ng Miyerkules ang logo at tema ng Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous Peoples na ipagdiriwang para sa taong 2020.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang 2020 ay inilaan para ipagdiwang ang ‘human fraternity’ sa pamamagitan ng pagtaguyod sa kultura ng pakikipagdayalogo upang matamo ang kapayapaan.

Layon din ng Year of Ecumenism na magkaroon ng pagkakaisa at pagkakasundo-sundo sa kabila ng pagkakaiba-iba ng pinanggalingan, pagkakakilanlan at paniniwala.

“(It also aims) to work for unity and harmony while respecting diversity and to recognize indigenous peoples’ identities, spiritualities and ancestral domain…,” ayon sa CBCP.

Sa logo na inilabas kahapon, makikita ang tatlong hugis, dalawa ay kulay asul at isa ang pula na bumuo naman ng espasyo na makikita sa pormang puso.

Sa gitna ng puso nakasulat ang tema ng Year 2020 na “Dialogue Towards Harmony”.

Ipinapakita umano sa logo ang ‘harmonious dynamism’.

Ang Year of Ecumenisim ay bahagi ng siyam na taong ‘spiritual journey’ ng local church na nagsimula taong 2013.

Ito ay bilang paghahanda sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas na nagsimula taong 2021.

Ang Year of Ecumenism ay kasunod ng Year of the Youth na matatapos na sa November 24, 2019, Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari.

TAGS: 500 years of Christianity in the Philippines, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), Dialogue Towards Harmony, Interreligious Dialogue and Indigenous Peoples, Philippine Catholic Church, Year of Ecumenism, 500 years of Christianity in the Philippines, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), Dialogue Towards Harmony, Interreligious Dialogue and Indigenous Peoples, Philippine Catholic Church, Year of Ecumenism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.