T.M Kalaw isasara para sa nationwide earthquake drill mamaya
By Rhommel Balasbas November 14, 2019 - 04:33 AM
Isasara ang east at west bound lanes ng T.M Kalaw ngayong umaga para sa National Simultaneous Earthquake Drill.
Ayon sa advisory ng Manila Police District (MPD), sarado ang eastbound at westbound lanes ng T.M. Kalaw mula Mabini hanggang Ma. Orosa mula alas-9:00 hanggang alas-9:30 ng umaga.
Pinayuhan ang mga motorista na sundin ang sumusunod na mga ruta:
- Ang mga manggagaling mula Roxas Boulevard na dadaan sana sa eastbound lane ng T.M Kalaw ay dapat kumaliwa sa M.H Del Pilar
- Ang mga manggagaling sa Mabini St. na gagamit sana ng eastbound lane ng T.M Kalaw ay dapat kumaliwa sa westbound lane ng T.M Kalaw patungong Roxas Boulevard hanggang makarating sa destinasyon
- Ang mga manggagaling sa southbound lane ng Ma. Orosa na gagamit sana ng westbound lane ng T.M Kalaw ay dapat kumaliwa sa eastbound lane ng T.M Kalaw patungong Taft Avenue
- Ang mga manggagaling naman sa Taft Avenue na gagamit ng westbound lane ng T.M Kalaw patungong Roxas Boulevard ay dapat kumanan sa Ma. Orosa at kumaliaw sa P. Burgos
- Ang mga manggagaling naman sa UN Avenue na dadaan sana sa northbound lane ng Ma. Orosa ay dapat dumiretso patungong P.Burgos hanggang makarating sa destinasyon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.