Lahat ay inaanyayahang mag-‘duck, cover and hold’ sa earthquake drill habang ‘shake, drop, and roar’ sa tsunami drill.
Ang national ceremonial venue ng earthquake and tsunami drill ngayong araw ay sa Calapan, Oriental Mindoro.
Ito ay bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng Magnitude 7.1 earthquake and tsunami na tumama sa Mindoro noong November 15, 1994.
Ayon kay Science and Technology Undersecretary and Phivolcs Director Renato Solidum, kailangang masubok ang kahandaan at pagresponde ng publiko sa lindol at tsunami lalo’t hindi tiyak kung kailan mangyayari ang mga ito.
Ang bansa ay ‘prone’ sa lindol at tsunami lalo’t bahagi ito ng Pacific Ring of Fire.
Sa Mindoro man ang ceremonial venue, mayroong regional drills at maaari rin namang gawin ito sa mga bahay at opisina.
Ang earthquake drill ngayong araw ay kasunod na rin ng mga pagyanig na naramdaman sa Mindanao partikular sa Cotabato.