Halos 500 pasahero stranded sa ilang pantalan sa Bicol dahil sa Bagyong Ramon
Stranded ang nasa 496 na mga pasahero sa mga pantalan sa Catanduanes, Albay at Sorsogon dahil sa masamang panahong dulot ng Bagyong Ramon.
Ayon sa Philippine Coast Guard, hanggang alas 4:00 Miyerkules ng hapon, pansamantalang suspendido ang biyahe ng 126 rolling cargoes, 23 barko at dalawang motorbanca.
Nananatili rin sa mga pantalan ang siyam na iba pang barko at limang motorbanca.
Sa tala ng Coast Guard Station Catanduanes, 10 sasakyang pandagat sa Virac Port ang hindi pinabiyahe at 15 sa San Andres Port.
Ayon naman sa Coast Guard Station Albay, 241 ang nananatili sa Tabaco Port habang sa ulat ng Coast Guard Station Sorsogon ay tatlong barko ang nasa Bulan Port, 196 sa Matnog Port at 31 sa Pilar Port.
Mahigpit na ipinapatupad ng lahat ng PCH units ang implementasyon ng alituntunin sa biyahe ng mga barko kapag masama ang panahon para sa seguridad ng mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.