Pinangunahan ni Mayor Isko Moreno at mga lokal na opisyal ang pailaw ng mga Christmas Tree sa Kartilya ng Katipunan Miyerkules ng gabi.
Daang-daang mga katao ang nanood ng pailaw ng nasa 40 feet na Christmas Tree.
Bukod sa monumento ni Andres Bonifacio ay sabay-sabay din ang pailaw sa ilang lugar sa lungsod kabilang ang mga tourist destinations na Rizal Park, Intramuros, Post Office, Escolta, Paco Park, National Museum, Rizal Park Hotel at Tutuban Center.
Sa kanyang talumpati bago ang pailaw, sinabi ni Mayor Isko na ang tunay na diwa ng Pasko ay ang pagmamahal at malasakit sa kapwa.
Naging madilim anya ang Maynila sa nakalipas pero sa pagtutulungan ay maliwanag na ang tinatahak ng lungsod sa susunod ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.