Pasig River Rehabilitation Commission binuwag na ni Pangulong Duterte
Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ‘disestablishment’ o pagbuwag sa Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC).
Sa liham ni Atty. Concepcion Zeny Ferolino-Enad ng Malacañang Records Office kay PRRC executive director Joan Lagunda na may petsang November 12, ipinabatid ang pagbuwag sa rehabilitation body.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order 93 na nagbubuwag sa PRRC noong November 8.
Ito ay matapos ilipat sa kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang chairmanship ng PRRC mula sa Department of Budget Management (DBM).
Ayon sa EO, saklaw na ng DENR ang pagpapatupad sa Republic Act No. 9275 o ang Philippine Clean Water Act of 2004 na tutugon sa lahat ng aspesto ng water pollution.
Dahil dito, ang DENR na ang ahensyang magpapatupad ng lahat ng batas na may kinalaman sa rehabilitasyon ng Pasig River.
Samantala, pinatitiyak naman sa bagong likhang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na mailalagay sa ayos ang informal setllers sa paligid ng Pasig River.
Sa isang talumpati noong Oktubre una nang inihayag ni Pangulong Duterte ang pagnanais na mabuwag ang PRRC dahil aksaya lamang anya ito sa pera at panahon.
Wala na rin anyang lilinisin pa sa Pasig River dahil malinis na ito.
Matatandaang sinibak ng presidente si ating PRRC Executive Director Jose Antonio Goitia dahil sa alegasyon ng katiwalian.
Ang PRRC ay binuo sa isang EO na pinirmahan ni dating Pangulong Joseph Estrada noong January 6, 1999.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.