Nagkasa ng operasyon ang MPD laban sa mag-asawa kasunod ng reklamo ng Pagcor sa pamemeke ng mga dokumento para sa tulong pinansyal partikular sa medical assistance.
Nabatid na nakakakubra ang mga suspects ng pera na para sa mga taong totoong nangangailangan ng financial assistance.
Dahil sa modus ay inanunsyo ng Pagcor na pansamantala nilang itinitigil ang pamimigay ng financial medical assistance.
Simula sa Huwebes, November 14 ay hindi muna tatanggap ang ahensya ng mga aplikasyon para makahingi ng tulong pinansyal para sa medikal na gastusin ng pasyente.
Nagbabala rin ang Pagcor laban sa mga gagawa ng katulad na panloloko na mayroon silang mahigpit na proseso para suriin ang mga dokumento na isinusumite para makahingi ng financial assistance.