Mag-asawang nameke ng dokumento para sa Pagcor medical assistance arestado

By Len Montaño November 13, 2019 - 11:58 PM

Arestado ang isang mag-asawa na umanoy nasa likod ng pamemeke ng mga dokumento para sa medikal na tulong mula sa Pagcor sa operasyon ng Manila Police District (MPD) Miyerkules ng gabi.

Nagkasa ng operasyon ang MPD laban sa mag-asawa kasunod ng reklamo ng Pagcor sa pamemeke ng mga dokumento para sa tulong pinansyal partikular sa medical assistance.

Nabatid na nakakakubra ang mga suspects ng pera na para sa mga taong totoong nangangailangan ng financial assistance.

Dahil sa modus ay inanunsyo ng Pagcor na pansamantala nilang itinitigil ang pamimigay ng financial medical assistance.

Simula sa Huwebes, November 14 ay hindi muna tatanggap ang ahensya ng mga aplikasyon para makahingi ng tulong pinansyal para sa medikal na gastusin ng pasyente.

Nagbabala rin ang Pagcor laban sa mga gagawa ng katulad na panloloko na mayroon silang mahigpit na proseso para suriin ang mga dokumento na isinusumite para makahingi ng financial assistance.

TAGS: dokumento, Financial Assistance, Mag-asawa, Manila Police District, medical assistance, pagcor, pansamantalang tigil, peke, dokumento, Financial Assistance, Mag-asawa, Manila Police District, medical assistance, pagcor, pansamantalang tigil, peke

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.