UST balik UAAP Finals kontra Ateneo matapos talunin ang UP
Balik sa UAAP Finals ang University of Santo Tomas (UST) laban sa Ateneo de Manila University matapos talunin ang University of the Philippines (UP) sa playoffs sa Mall of Asia Arena Miyerkules ng gabi sa score na 68-65.
Sa harap ng audience na 18,458 ng UAAP Season 82, ang triple shot ni Renzo Subido ang naging daan sa paglamang ng Growling Tigers sa natitirang 23.5 seconds hanggang tuluyang maitala ang ikatlong sunod na panalo kontra Fighting Maroons.
Mayroon sanang huling pagkakataon ang No. 2 seed na UP para umabot sa overtime ang laro pero pumalya ang tira ni James Spencer sa three-point line.
Kontrolado ng UST ang laro sa unang tatlong kwarter pero nakahabol ang UP sa fourth quarter.
Sa pamamagitan ng dunk ni Kobe Paras ay naitala ang 65-61 na score sa huling 2 minuto pero agad na bumawi ang UST sa layup ni Rhenz Abando para sa 65-63 na score.
Sa laro noong Linggo ay napwersa ng Tigers ang do-or-die game kontra Maroons.
Dahil sa panalo ay maghaharap ang UST at Ateneo sa best of three finals simula sa Sabado, November 16.
Taong 2012 nang huling maglaban ang Tigers at Eagles sa UAAP Finals kung saan nakuha ng Ateneo ang huli sa limang sunod nilang kampeonato.
Block by UST and some huge misses for UP pic.twitter.com/y19S9X0gNJ
— Cedelf P. Tupas (@cedelfptINQ) November 13, 2019
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.