(UPDATE) Itinaas ng Phivolcs sa magnitude 4.9 ang lindol na tumama sa Quirino alas-10:28 Miyerkules ng gabi.
Una nang sinabi na may lakas na magnitude 4.8 ang pagyanig.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 14 na kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Nagtipunan.
May lalim ang pagyanig na 60 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang Intensity IV sa Nagtipunan at Maddela sa Quirino at Bayombong, Nueva Vizcaya.
Naitala naman ang instrumental intensity II sa Palayan City at instrumental intensity I sa Baguio City.
Bagama’t may kalakasan, hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.