Robredo posibleng hindi pasamahin sa mga cabinet meeting kung hindi kasama sa agenda ang illegal na droga

Maaring hindi ipatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo sa mga cabinet meeting kung hindi naman pag uusapan ang isyu sa illegal na droga.

Ito ay matapos italaga ni Pangulong Duterte si Robredo bilang co-chairman ng inter agency committee on anti illegal drugs.

Sa ambush interview sa malakanyang, sinabi ni Senador Bong Go, base sa kanyang pagkakaalam wala pang imbitasyon si Pangulong Duterte para pasamahin sa cabinet meeting si Robredo.

Wala pa ring naka skedsyul na pagpupulong sina Pangulong Duterte at Robredo para ilatag ang sasaklawing kapangyarihan para sa kanyang pagiging drug czar.

Isinasagawa ang cabinet meeting sa malakanyang tuwing unang Lunes ng buwan.

Read more...