May basehan umano ang paghahain ng reklamo sa Malacanang ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas laban sa Panay Electric Company.
Katuwiran ni Iloilo City Rep. Julienne Baronda, kaligtasan na ng may animnapu’t limang consumers ang nakasalalay sa usaping ito.
Sabi ni Baronda, napilitan si Treñas na iparating sa palasyo ang kalbaryo ng mga residente para agad maatasan ang Energy Regulatory Commisison(ERC) na umaksyon.
Nangangamba anya ang alkalde na kung hindi kikilos ang ERC ay maaaring maulit pa ang 9 na magkakasunud na sunog sa mga poste ng kuryente ng PECO nito lamang buwan ng Oktubre.
Tiniyak naman ni PBA Partylist Rep. Koko Nograles na sinusubaybayan ng Kamara ang isinasagawang imbestigasyon ng ERC.
Ayon kay Nograles, hindi na dapat patagalin ng ahensya ang imbestigasyon lalo’t nakasalalay ang kaligtasan ng mga residente.
Iginiit ng mga kongresista na kung mapatutunayang nagpabaya ang PECO ay basehan ito para tuluyang kanselahin ang kanilang temporary Certificate of Public Convenience and Necessity(CPCN).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.