Klase sa Albay, sinuspinde simula 1:00 ng hapon dahil sa Bagyong #RamonPH
Nagpatupad ng suspensiyon ng klase sa probinsya ng Albay, Miyerkules ng hapon.
Sa inilabas na abiso sa Facebook, sinabi ni Albay Governor Al Francis Bichara na ito ay dahil sa inaasahang malakas na buhos ng ulan dulot ng Tropical Storm “Ramon.”
Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan simula 1:00 ng hapon.
Tututok naman aniya ang Local Disaster Risk Reduction & Management Councils (LDRRMCs) sa mga lugar na posibleng makaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Nasa heightened alert din aniya ang LDRRMCs para tutukan ang lagay ng panahon sa pamamagitan ng PAGASA Legazpi at local broadcast media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.