Walang Filipinong nasugatan sa bushfires sa Australia – DFA

By Angellic Jordan November 13, 2019 - 04:17 PM

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang napaulat na nasawi o nasugatan sa bushfires sa ilang parte ng Australia.

Ayon sa kagawaran, base sa ulat ng Embahada ng Pilipinas sa Canberra, Consulate General sa Sydney, at Honorary Consulates sa Brisbane at Perth, walang apektadong Filipino sa bahagi ng New South Wales, Queensland at Western Australia.

Patuloy namang tinututukan ng DFA ang sitwasyon sa mga apektadong lugar.

Nakikipag-ugnayan din ang kagawaran sa iba’t ibang ahensiya at lider ng Filipino community para masiguro ang kaligtasan ng mga Filipino sa nasabing bansa.

Kasunod nito, inabisuhan naman ang mga nananatiling Filipino na sumunod sa mga ibababang direktiba ng mga otoridad.

“The DFA advises Filipino nationals in the affected areas to follow the instructions of their local authorities and to take all necessary precautions and recommended actions to maintain their safety and welfare,” pahayag ng kagawaran.

Sinumang Filipino na nangangailangan ng tulong ay maaaring makipag-ugnayan sa konsulada ng Pilipinas sa lugar.

Maaaring makuha ang kanilang numero sa https://www.philembassy.org.au/offices/sydney-pcg-nsw

TAGS: bushfire, DFA, New South Wales, queensland, western australia, bushfire, DFA, New South Wales, queensland, western australia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.