Isa na namang tore ng NGCP pinasabog sa Lanao del Sur

By Den Macaranas January 18, 2016 - 04:15 PM

Bubong LanaoIsa na namang tramission tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pinasabugan kaninang umaga ng ilang armadong kalalakihan sa lalawigan ng Lanao del Sur.

Sa impormasyon na nakarating sa punong tanggapan ng NGCP sa Quezon City, pasado alas-dyes ng umaga kanina ng sumabog ang inilagay na bomba ng mga suspect sa Tower 50 na matatagpuan sa bayan ng Bubong.

Gayunman, bigo ang mga suspect na pabagsakin ang nasabing tore pero naputol naman ang linya ng kuryente sa lugar.

Sa kanilang advisory, sinabi ng NGCP na kaagad nilang aayusin ang napinsalang transmission tower kapag natiyak na ang kaligtasan sa paligid nito.

Kaagad ding rumesponde ang mga tauhan ng Philippine National Police sa lugar pero bigo silang abutan ang mga armadong suspect.

Nauna dito ay nagparating ng pangamba ang ilang mga mambabatas mula sa rehiyon ng Mindanao kaugnay sa posibilidad na magkaroon ng failure of elections sa kanilang mga lugar dahil sa mga serye ng pagpapasabog sa mga tore ng NGCP.

Noong January 16 ay isang pagsabog din ang naganap kung saan ay naputol ang supply ng kuryente sa buong Cotabato dahil sa napinsalang tore ng NGCP sa bayan ng Aleosan.

TAGS: Bombing, Lanado del Sur, ngcp, PNP, Bombing, Lanado del Sur, ngcp, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.