Ilang malalaking infra projects ng gobyerno hindi na itutuloy

By Chona Yu November 13, 2019 - 03:52 PM

Inquirer file photo

Aminado ang administrasyon na mali ang mga proyektong naka-highlight sa tinaguriang flagship projects sa P8 Trillion kabuuang Build Build build program ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pulong balitaan sa Malacanang, sinabi ni Bases Conversion and Development Authority President at CEO  Vivencio Dizon na sa orihinal na 75 projects na inilatag noong 2016, dalawa lamang ang natapos.

Ito ay ang improvement ng mga tulay sa Pasig river mula sa Del Pan sa Tondo hanggang sa Napindan sa Taguig City at ang Polanggi river dredging lamang.

Aabot din aniya sa mahigit dalawampung proyekto sa 75 flagship program ng Build Build Build ang hindi na itutuloy dahil sa kakulangan ng teknolohiya at hindi feasible pa sa ngayon.

Kabilang sa mga hindi na matutuloy ang ambisyosong proyekto na P18.2 kilometers na tulay na magkokonekta sa mga lalawigan ng Sorsogon at Samar na nagkakahalaga ng P375 Billion pati na planong pagtatayo ng tulay sa Mindoro na mag-uugnay sa lalawigan ng Batangas.

Pero ayon kay Dizon, binago na nila ang listahan.

Sa ngayon ay umaabot sa 100 flagship projects na ang naka-highlight sa Build Build Build program.

Sa nasabing bilang ay tatlumpu’t walong proyekto ang target na matapos sa taong 2022, samantalang dalawampu’t dalawa ang dapat ay partially operational o substantial completion habang apatnapu’t walong proyekto ang inaasahang matatapos paglagpas ng taong 2022.

Bagama’t maraming proyektong pang imprastraktura na ikinasa ang kasalukuyang administrasyon, aminado si Dizon na matutupad pa rin ito.

Ito aniya ang dahilan kung kaya nagkukumahog ang kanilang hanay na matapos ang naturang mga proyekto.

TAGS: BCDA, Bild, DPWH, duterte, BCDA, Bild, DPWH, duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.