Ito ay matapos na pinagtibay o kinatigan ni Chief Justice Diosdado Peralta sa pamamagitan ng memorandum order ang pagbawi ni Court Administrator Jose Midas Marquez sa pagkakahirang sa mga hukom bilang acting presiding judge at assisting judge.
Kasabay nito ay inatasan ni Marquez ang pamunuan ng mga regional branches ng mga hukuman naaktuhan ang mga mahahalagang bagay sa mga court room habang wala pang naitatalagang hukom.
Wala namang ibinigay na paliwanag ang Korte Suprema kung bakit binawi ang naunang memorandum order na kanilang ipinalabas para sa mga hukom.