Pagkakahirang ng mga hukom bilang acting presiding judge at assisting judge sa labas ng kanilang court rooms binawi ng Office of the Court Administrator
Pinawalang-bisa o binawi ng Office of the Court Administrator ang lahat ng mga naunang kautusan kaugnay ng pagkakahirang sa mga hukom bilang acting presiding judge at assisting judge sa labas ng kani-kanilang mga court rooms.
Ito ay matapos na pinagtibay o kinatigan ni Chief Justice Diosdado Peralta sa pamamagitan ng memorandum order ang pagbawi ni Court Administrator Jose Midas Marquez sa pagkakahirang sa mga hukom bilang acting presiding judge at assisting judge.
Kasabay nito ay inatasan ni Marquez ang pamunuan ng mga regional branches ng mga hukuman naaktuhan ang mga mahahalagang bagay sa mga court room habang wala pang naitatalagang hukom.
Wala namang ibinigay na paliwanag ang Korte Suprema kung bakit binawi ang naunang memorandum order na kanilang ipinalabas para sa mga hukom.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.