Bagyong Ramon lumakas pa at naging tropical storm ; 7 lugar nasa ilalim ng signal no. 1
Lumakas pa ang bagyong Ramon habang patuloy na kumikilos sa Eastern Samar.
Sa 11:00 am severe weather bulletin ng PAGASA, itinaas ito bilang Tropical Storm mula sa Tropical Depression.
Huling namataan ang bagyo sa layong 385 kilometro silangan hilagang silangan ng Borongan City taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kph at pagbugsong nasa 80 kph.
Kumikilos ito ng pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Nadagdagan ang mga lugar na nasa Tropical Cyclone wind signal No. 1.
Kinabibilangan ito ng mga sumusunod :
Eastern Samar
Northern Samar
Catanduanes
Camarines Sur
Camarines Norte
Albay
Sorsogon
Inaasahan naman ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay at Sorsogon.
Mahina hanggang sa katamtaman at may sunod-sunod na malalakas na pag-ulan sa Camarines Norte, Masbate, Northern Samar at Eastern Samar.
Nagbabala ang PAGASA sa landslide at flood prone areas na magpatupad ng kaukulang paghahanda at makipagtulungan sa kinauukulan.
Ang TS Ramon ay inaasahang tatama sa kalupaan ng Isabela sa sabado ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.