VP Leni Robredo hindi aalisin ang ‘oplan tokhang’
Hindi aalisin ni Vice President Leni Robredo ang oplan tokhang.
Ito ang ginawang paglilinaw ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo sa isang pulong balitaan sa Maynila.
Paliwanag ni Gutierrez, ang importante ay mabago ang konsepsyon ng taong bayan sa oplan tokhang na muka ng anti-drug campaign ng pamahalaan.
Pero sa tokhang na nais ng bise presidente aniya ay walang mamatay at walang sibilyan na madadamay hangga’t maaari.
Pero tanggap maman aniya nila ang reyalidad na may mga pagkakataong hindi maiiwasan na may mamatay kung manlalaban ang suspek at malagay naman sa panganib ang buhay ng pulis o sibilyan.
Ang nais lang aniya ni Robredo ay mawala ang konsepsyon na ang first option sa mga anti-illegal drug operation ay ang pagpatay.
Sa tanong naman ng pagpapalit ng pangalan ng tokhang sinabi ni Gutierrez na wala ito sa prayoridad ni Robredo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.