Utos ng doktor na magpahinga muna susuwayin ni Pangulong Duterte

File Photo

Hindi susundin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang utos ng kanyang doktor na magpahinga muna sa trabaho.

Sa ambush interview sa Malakanyang, sinabi ni Senador Bong Go na tuloy pa rin ang pagtrabaho ng pangulo kahit nasa Davao lamang at hindi na kailangan na mag leave.

Nasa Davao kasi aniya ang comfort zone ng pangulo kung saan maayos na nakatutulog sa kanyang kwarto gamit ang punit-punit na kumot at kulambo

Katunayan, biyaheng North Cotabato si Pangulong Duterte sa araw ng Biyernes (November 15) para bisitahin ang mga magsasaka.

Nakatakdang dumalo ang pangulo sa pulong sa mga magsasaka sa Pigcawayan sa North Cotabato.

Hindi kasi aniya makatagal si Pangulong Duterte sa kanyang bahay at magtatrabaho pa rin.

Read more...