3 high value target naaresto sa Tondo, Manila; P5.7M na shabu nakumpiska
Higit P5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska matapos maaresto ang tatlong drug suspek sa Tondo Maynila Miyerkules ng umaga (November 13).
Nakuha sa tatlo na kinabibilangan ng dalawang lalaki at isang babae ang nasa 850 na gramo ng shabu na may street value na aabot sa P5.7 milyon.
Ayon sa Manila Police District, galing ng Cotabato ang tatlong naaresto at itinuturing na “high value target” ng pulisya.
Nabatid pa na matagal nang sinusubaybayan ang tatlo na hinihinalang miyembro ng isang sindikato ng iligal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.