Ilog sa South Korea nagkulay dugo matapos katayin ang halos 50 libong baboy na may ASF

By Jimmy Tamayo November 13, 2019 - 07:55 AM

Nagkulay pula ang tubig sa isang ilog sa South Korea kasunod ng pagkatay sa halos 50,000 baboy.

Isinailalim sa culling ang aabot sa 47,000 na baboy para maiwasan ang pagkalat ng African swine fever (ASF) sa kanilang bansa.

Ginawa ang pagkatay ng mga baboy malapit sa Imjin River na nasa inter-Korean border pero dahil sa malakas na pag-ulan ay umagos sa ilog ang dugo ng mga kinatay na baboy.

Natagalan ang produksyon ng mga plastic containers na gagamitin sa paglilibing ng mga patay na baboy kaya naiwan ang mga ito sa mga trucks.

Tiniyak naman ng South Korean authorities na hindi na makakahawa pa sa ibang hayop ang pagkalat ng dugo sa ilog dahil “disinfected” na umano ang mga baboy bago katayin ang mga ito.

Noong Setyembre ay nakumpirma ang kaso ng ASF sa South Korea sa kabila ng ginawang aksyon ng pamahalaan para mapigilan ang pagpasok nito sa kanilang bansa.

Pinaniniwalaang galing ng North Korea ang ASF kung saan unang nagkaroon ng kaso ng pagkakasakit ng mga baboy mula pa noong buwan ng Mayo.

TAGS: 000 na baboy, Aabot sa 47, African Swine Fever (ASF), culling, Imjin River, south korea, 000 na baboy, Aabot sa 47, African Swine Fever (ASF), culling, Imjin River, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.