Mga trabahador na senior citizen at PWD dapat pasahurin ng tama – DOLE
Ikinatutuwa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbibigay ng trabaho ng pribadong sektor sa mga senior citizen at mga PWDs ngunit kasabay nito ay mariing pinaalalahan ang mga kumpanya na bigyan ng patas na sahod ang mga trabahador na nakatatanda at persons with special disability o PWDs.
Sa fast-food industry, ang sweldo sa apat na oras na pagtatrabaho ng mga senior at PWDs ay dapat naaayon sa minimum wage law habang ang trabaho na higit sa walong oras ay dapat bayaran ng overtime.
Ginawa ni Labor Assistant Secretary Benjo Santos Benavidez ang pahayag kasunod nang paglabas ng mga larawan ng mga senior at PWDs sa social media at FB na nagtatrabaho sa mga food chain at mga restoran sa Metro Manila.
May polisiya, aniya ang pamahalaan na nagsusulong ng equal access to employment kahit na anong kasarian, abilidad at edad, gaya ng Republic Act No. 10911 o ang Anti-Age Discrimination law na nagbabawal sa diskriminasyon sa mga uri ng kawani.
Alinsunod sa Section 4 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng nasabing batas, binabawalan ang mga employer na magtakda ng edad sa publication o patalastas na may kinalaman sa pag-e-empleyo ng mga trabahador.
Gayunman kabilang sa mga exemption nang itinakdang edad at lakas ng pangangatawan ay mga pulis, construction worker at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.