Hinihinalang pusher naaresto ng police sa Bauan, Batangas

Arestado ang isang hinihinalang small time drug pusher sa Brgy. Poblacion 1, Bauan, Batangas sa ginawang buy-bust operation ng Bauan municipal police station.

Kinilala ang suspek na si Noel Abenales, 34 taong gulang, residente ng Purok 4 Brgy. Calicanto, Batangas City.

Naaresto Martes ng gabi (November 12) si Abenales matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha sa kanya ang ilang gramo ng shabu at P500.00 na buy-bust money.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 si Abenales, habang napanatag naman ang ilang residente ng Barangay Poblacion 1 maging ng karatig barangay ng Bauan, Batangas.

Read more...