17 arestado sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City

By Rhommel Balasbas November 13, 2019 - 05:23 AM

Natimbog ang 17 drug suspects sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City sa buong magdamag.

Ayon sa pulisya, nakumpiska sa mga nahuling suspek ang 21 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P150,000.

Unang isinagawa ang buy-bust operation sa Brgy. Baesa kung saan apat ang naaresto at nakuha sa ang walong gramo ng shabu.

Isang drug surrenderee ang natimbog sa Brgy. E. Rodriguez matapos makuhaan ng dalawang gramo ng shabu.

Sa Fairview, pitong drug suspects ang nahuli.

Tatlo naman ang naaresto sa Payatas at nakuhaan ng limang gramo ng shabu.

Sa Brgy. Culiat, dalawang suspek ang natimbog at nakuhaan ng anim na gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P40,800.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: anti illegal drug operations, buy bust operation, drug war, quezon city, Quezon City Police District (QCPD), anti illegal drug operations, buy bust operation, drug war, quezon city, Quezon City Police District (QCPD)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.