Panelo: Pacquiao, pwedeng maging presidente gaya ni Cory

By Rhommel Balasbas November 13, 2019 - 03:38 AM

Kung ang isang housewife ay naging kauna-unahang babaeng presidente ng Pilipinas, posible ring maging susunod na pangulo ang Pinoy boxing champ na si Sen. Manny Pacquiao ayon sa Palasyo ng Malacañang.

Sa panayam ng media araw ng Martes, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kahit sino ay maaaring maging pangulo basta’t pasado sa itinatakda ng Konstitusyon.

Inihalimbawa ni Panelo si dating Pangulong Corazon Aquino na isa lamang housewife ngunit naging pinakamataas na lider ng bansa.

“The Constitution gives requirements. So anybody, any citizens of this country passing those basic qualifications can be president. You must remember the housewife, Cory Aquino, became president,” ani Panelo.

Maaari rin anyang maging mabuting presidente si Pacquiao sakaling magdesisyon itong tumakbo.

“Anybody can be a good president until he seats in the office. We don’t know,” dagdag ni Panelo.

Reaksyon ito ng kalihim matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang talumpati noong Lunes ng gabi na pumapasok sa isip ni Pacquiao na maging presidente ng bansa.

Gayunman ayon kay Duterte, matrabaho ang pagiging pangulo at magdadala lamang ng pagod at stress.

“Were it not for the love of country, ‘yun lang talaga magsustain. Wala kang makuha dito sa trabaho na ito except work, work and work and work and work. And worry, worry, worry, and be under stress,” ayon sa pangulo.

Kwalipikado na sa pagtakbo sa pagkapangulo si Pacquiao matapos maabot ang edad na 40 noong December 17, 2018.

 

TAGS: cory aquino, housewife, presidente, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Sen. Manny Pacquiao, cory aquino, housewife, presidente, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Sen. Manny Pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.