Umanoy Italian pedophile naharang sa Davao airport

Arestado ang isang Italian pedophile na umanoy nambibiktima ng mga Filipinong menor de edad sa Mindanao kapag bumibisita ito sa bansa.

Ayon sa Bureau of Immigration, ang suspect ay nakilalang si Lorenzo Marchesi, 57 anyos.

Nabatid na pinapagawa ng suspect ng sexual acts ang mga kabataan kapalit ang pera.

Paalis na sana ang dayuhan nang maharang sa Davao International Airport noong November 8.

Si Marchesi ay isang undesirable alien kasunod ng mission order na inilabas ni Immigration Commissioner Jaime Morante laban sa kanya.

Sangkot ang Italian sa ilang kasong kriminal kabilang ang paglabag sa expanded anti-trafficking act, cybercrime law at anti-child abuse act.

 

Read more...