Mayor Isko may banta sa mga nagsulat sa Lagusnilad underpass

By Len Montaño November 13, 2019 - 02:35 AM

Binantaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga nagsulat ng graffiti sa Lagusnilad underpass.

Parikular na binalaan ni Moreno ang mga militanteng nag-vandalize sa naturang underpass.

Ayon sa alkalde, ipapadila niya sa mga nag-vandalize ang underpass kapag nahuli ang mga ito.

“Kapag nahuli ko kayo, ipadidila ko sa inyo ito,” ani Moreno.

Iginiit ng lokal na pamahalaan na ang pagsusulat sa mga pader ng underpass ay paglabag sa Ordinance 7971 o Anti-Vandalism Law of 1999.

Kakalinis at kakapintura pa lamang ng Lagusnilad underpass nang ito ay sulatan ng mga militante araw ng Martes.

 

 

 

TAGS: Anti-Vandalism Law of 1999, banta, graffiti, ipapadila, Lagusnilad, Mayor Isko Moreno, Ordinance 7971, underpass, vandalism, Anti-Vandalism Law of 1999, banta, graffiti, ipapadila, Lagusnilad, Mayor Isko Moreno, Ordinance 7971, underpass, vandalism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.