2 Maute members, mga taga-suporta sumuko sa militar sa Lanao del Sur

Wesmincom photo

Sumuko ang dalawang miyembro ng Dawlah Islamiya o Maute Group sa 49th Infantry Battalion sa Masiu, Lanao del Sur.

Sa pahayag ng Western Mindanao Command (WesMinCom) Martes ng gabi, nakilala ang mga Maute members na sina Camar Gampong Musa at Nasroding Comayog Patiilan.

Sumuko din sa ang kanilang mga taga-suporta na sina Badroding Gampong Patiilan at Pacalinog Patiilan Comayog.

Ibinigay din ng mga ito ang iba’t ibang kalibre ng armas.

Iprinesenta ang mga surrenderees kay Association of Barangay Captains President Sarip Rangiris Acob bago dalhinsa battalion headquartes para sa custodial briefing.

Ayon kay Joint Task Force ZamPeLan acting commander Brig. Gen. Bagnus Gaerlan, ang pagsuko ng Maute members ay isang tagumpay na bunga ng walang patid na pagtratrabaho ng intelligence units.

“This accomplishment is attributed to the intelligence units who never falter in fulfilling their duties and responsibilities,” ani Gaerlan.

Natutuwa naman si WesMinCom commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana sa desisyon ng mga surrenderees na magbalik sa lipunan kaysa sumabak sa mga engkwentro.

Ang mga isinukong armas ng apat ay kasalukuyang nasa kustodiya ng 49 IB para sa safekeeping.

 

Read more...